Pangulong Marcos, tuloy ang pag-iikot sa mga probinsya ilang araw bago ang SONA

Tuloy ang ginagawang pag iikot ni Pangulong Bongbong Marcos sa mga probinsya sa bansa upang mamahagi ng tulong pinansyal sa mga magsasaka at mangingisda na lubhang apektado ng El Niño.

Ito’y kahit pa ilang araw na lang ay isasagawa na ang kanyang ikatlong Ulat sa Bayan.

Read More:  Sara Duterte defense team says it is ready for impeachment trial

Ngayong araw nasa Apayao ang Pangulo at namahagi ng 264million 260 thousand pesos na halaga ng monetary support sa probinsya ng Apayao, Ifugao, Kalinga, Mountain Province, Abra at Benguet.

Saka dumeretso ang Pangulo sa Pasuquin, Ilocos Norte para pangunahan ang inagurasyon ng Sulvec Small Reservoir Irrigation Project.

Read More:  Bantay Impeachment: avoid delaying tactics in VP Sara impeachment trial

Pangungunahan rin nito ang inagurasyon at turn over ng Rice Processing System sa Piddig Ilocos Norte pa rin.

At isa pang Presidential Assistance to farmers and fisherman ang pangungunahan nito sa Lingayen Pangasinan.