Suspended Bamban Mayor Guo, kinwestiyon ang pagtrato sa kanya ng ilang Senador

Kinwestiyon ni suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo ang ilang Senador sa pagtrato sa kanya na tila’y pinakamalaking problema ng buong bansa.

Sa isang official statement, partikular na binanggit ni Guo si Senator Risa Hontiveros at Senator Sherwin Gatchalian, na ginagamit lang siya umano sa mga political ambitions ng mga mambabatas.

Read More:  Marcos says heavy rain and climate change worsened Central Luzon flooding

Sa halip na sa kanya lang mag-focus, hinimok nito ang mga Senador na pagtuunan na lang sana ng pansin ang ibang isyu tulad ng food shortage at kakulangan ng healthcare sa bansa.

Read More:  Facebook ban in Philippines possible as CICC warns meta over laws

Muli ring nanindigan si Guo na hindi totoo ang mga binabatong akusasyon laban sa kanya.