COMELEC Chairman Garcia – muling hinimok ang NBI na imbestigahan ang mga alegasyon laban sa kanya

Muling sumulat si Commission on Elections (Comelec) Chairperson George Erwin Garcia sa National Bureau of Investigation (NBI) upang imbestigahan ang mga alegasyong nakatanggap siya ng suhol mula sa South Korean supplier na Miru Systems.

Iginiit ni Garcia na mahalaga ang pagsisiyasat upang malinis ang kanyang pangalan sa anumang nauugnay na akusasyon, na inilarawan niyang mapanira at walang basehan.

Read More:  No government expense for Marcos’ F1 ticket, Palace says

Hiniling din ng Comelec chief sa NBI na ituring na “absolute and unequivocal” ang sinumpaang waiver na dati niyang inilabas para sa mga bank accounts na kasama sa umano’y “white paper” gayundin ang “Bahamas files” na iniharap ni dating Caloocan congressman Edgar Erice.

Read More:  DA says super El Niño won’t trigger food crisis as government prepares rice imports

Sinabi ni Garcia na anim na domestic banks na ang kinumpirmang hindi totoo ang mga akusasyong ibinabato laban sa kanya.