2 katao na may dalang baril, arestado sa bayan ng DBS!

ARESTADO ang dalawa katao matapos makumpiskahan ng mga di lisensyadong baril sa bayan ng Datu Blah Sinsuat, Maguindanao kahapon.


Kinilala ng Datu Blah Sinsuat Municipal Police Station Chief of Police PLT. Pasigan Abas ang mga naaresto na sina Datu Anabe Batua at Abe Lumalag na nakunan ng tig-isang caliber pistol na may mga bala.

Read More:  11-year-old child killed, 16-year-old injured after uncle’s knife attack in Negros Oriental


Pasado alas nwebe ng umaga kahapon habang nagsasagawa umano ng hearing para sa mga new applicants’ ng mga nais magparehistro ay bigla umanong nagkaroon ng komosyon.


Nakita ng mga otoridad ng bayan ang dalawang suspek na may dalang baril kaya naman agad itong dinakip ng mga otoridad at ngayon ay himas rehas na sa lock up cell ng DBS MPS ang dalawa.

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil


Inihahanda na ang pagsasampa ng mga kaukulang mga kaso laban sa mga suspek na kapwa residente rin ng nasabing bayan.