Mayorya ng mga Pilipino – naniniwalang ‘sapat’ na hakbang ang joint patrols para matugunan ang WPS issue

Karamihan sa mga Pilipino ang naniniwalang sapat ang mga hakbang ng pamahalaan sa isyu sa West Philippine Sea.

Batay sa Social Weather Stations (SWS) survey, 60% ng mga Pilipino ang naniniwalang ‘sufficient’ ang aksyon ng gobyerno sa pagsasagawa ng joint patrols at military exercises kasama ang mga kaalyansang bansa.

Read More:  Claire Castro rejects apology calls, says remarks on teachers were misinterpreted

Napag-alaman din dito na 72% ng mga Pilipino ang sumasang-ayon na ang pamahalaan ay dapat bumuo ng aliyansa kasama ang ibang mga bansa pagdating sa pagdepensa sa teritoryo ng Pilipinas.

Matatandaang nagsagawa ng ilang mga joint patrols ang bansa sa West Philippine Sea kasabay ang mga tropa mula sa US, Australia, Japan, at France sa gitna ng agresibong aksyon ng China sa rehiyon.

Read More:  Facebook ban in Philippines possible as CICC warns meta over laws

Sa kasalukuyan, pinag-aaralan ng Philippine Navy ang posibilidad ng pagko-conduct ng RORE mission sa Ayungin Shoal, bilang bahagi ng Multilateral Maritime Cooperative Activity (MMCA) kasama ang mga kaalyansang bansa.