MMDA, binatikos ng senadora kaugnay ng trending na PWD ramp

Nanawagan si dating Senate Committee on Public Services, Chairperson, Senadora Grace Poe sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na agarang ayusin ang rampa sa EDSA-Philam station ng Busway station sa Quezon City.

Ito ay matapos itong mag-viral dahil sa pagiging matarik nito at hindi pagiging Persons with Disabilities (PWDs) friendly kung saan konektado ang rampa nito sa elevator ng footbridge.

Read More:  DA says super El Niño won’t trigger food crisis as government prepares rice imports

Anya, nadismaya siyang makita ang buwis ng mga Pilipino na magamit sa mga proyektong may hindi magandang disensyo at pagkakagawa.

Read More:  DA says super El Niño won’t trigger food crisis as government prepares rice imports

Maalala, inamin ng MMDA sa kanilang naging post na hindi talaga naging perpekto ang disensyo lalo na sa mga naka-wheelchair pero malaki umano ang maitutulong nito para sa mga senior citizens, buntis at iba pang PWDs.