PBBM – nanguna sa pamamahagi ng tulong sa mga magsasaka’t mangingisda sa Palawan

Pinangunahan ni President Ferdinand Marcos Jr. ang pamamahagi ng tulong sa mga magsasaka at mangingisda na labis na naapektuhang ng El Niño sa Palawan.

Bandang alas-diyes ngayon umaga nang dumating si Pangulong Marcos sa City Coliseum sa Puerto Princesa upang manguna sa seremonya.

Read More:  Palace says ‘no one is above the law’ as VP Sara seeks oral arguments in grave threats case

Maaga pang nakaabang sa City Coliseum ang halos limang libong mga benipesaryo ng Presidential Assistance for Farmers, Fisherfolks and their Families (PAFF) program.

May naka-abang din na mga fiberglass na mga bangka na mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources para sa mga piling magsasaka.

Read More:  Claire Castro rejects apology calls, says remarks on teachers were misinterpreted

Samantala, nakatanggap din ng P10 Milyon ang City Government ng Puerto Princesa at P50 Milyon naman sa Provincial Government. (with reports from SARAH PELAYRE – 103.1 BNFM PALAWAN)