Cam.Norteños hinimok ng PSA na magbigay ng tamang impormasyon sa census

CAMARINES NORTE – Hinimok ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang mga Cam.Norteño na magbigay ng tamang impormasyon sa census of population at Community Based Monitoring System (POPCEN- CBMS) questions. 

Sa isang pahayag sa 2024 Popcen CBMS kick- off na pinagunahan ni Camarines Norte PSA Chief Statistical Specialist Maria Dulce Padayao, binigyang diin ng ahensiya ang kahalagahan ng pagbibigay ng mga tamang impormasyon.

Read More:  19-year-old woman found dead in Lupon, Davao Oriental, with head injury

Kasabay nito ang pagtitiyak na protektado ang mga ibibigay na impormasyon alinusnod sa Data Privacy Act of 2012.

Read More:  DepEd assures psychosocial support after Ateneo de Zamboanga shooting

Ang kick- off ng POPCEN- CBMS ay nilahukan ng iba’t- ibang national goverment agency, Local Government Units at Non- Government Organizations.

Dahil maliit lang ang Camarines Norte posibleng matapos ng mas maaga ang POPCEN- CBMS kaysa nakatakdang deadline sa Setyembre.