CAMARINES NORTE – Nakatanggap ng assistance package ang dalawang rebel returnee sa isinagawang 3rd Quarter Meeting ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (ECLIP) Committee sa Lakan Hall ng Camarines Norte Provincial Police Office, Daet, Camarines Norte nitong Miyerkules.
Halagang P15,000.00 na immediate Assistance mula sa Administered Package Assistance sa pamamagitan ng ECLIP ng Department of the Interior and Local Government at livelihood assistance na nagkakahalga ng P50,000.00. Mayroon namang P21,000.00 na halaga per rebel returnee ang ibinigay sa receiving unit ng dating rebelde habang nagkaloob din ng P10,000.00 financial assistance ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga dating rebelde at kanilang pamilya.
Tinalakay din sa pagpupulong ang mahahalagang probisyon ng DILG-DND Joint Memorandum Circular No. 01-2021 na naglalatag ng listahan ng mga benepisyo at processes sa pag- avail ng iba’t- ibang assistance packages para s amga dating rebelde.
