Ina ng napaslang na football player sa Masbate, nangangarap ng ‘terrorism-free PH’

SORSOGON CITY – Halos mahigit 40 araw na mula nang mapaslang sa isang pagsabog ng anti-personnel mine ang anak na lalaki ni Ginang Vilma Absalon, subalit nangarap at inaasahan pa rin nito na wala nang mabibiktima pang muli ang CPP-NPA sa kanilang kilos terorista.

Matandaan na si Kieth21-anyos at ang 40-anyo na pinsan nito na si Nolven ay nasawi  noong Hunyo 6 habang nagbibiseklita sa Brgy Anas sa lungsod ng Masbate.

Si Kieth ay isang manlalaro ng football sa Far Eastern University ay isa ring cycling enthusiast.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Sa isinagawang Bike for Peace and Justice noong Sabado sa Masbate City, na isinagawa rin sa ibang lalawigan sa rehiyon, nagbigay ng mensahe si Ginang Absalon. Sinabi nito na kailangang buo ang pagkakaisa ng lahat upang wala nang matulad sa nangyari sa kanyang anak at pamangkin. Hangad nito na sana ay maubos na ang mga terorista upang matuldukan na rin ang kanilang karahasan.

Sinabi pa ni Ginang Absalon na ang mga Pilipino ay karpat-dapat na makamit ang pangmatagalang kapayapaan.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Inamin din ni Ginang Absalon na hanggang sa ngayon ang kanyang pamilya ay hindi pa nakakarekober o nakakamove-on sa pagkamatay ni Kieth.

Bago isinagawa ang Bike for Peace noong Sabado ay namahagi ng aabot sa 39 na biseklita ang Phil Army bilang parte ng paggunita sa ika-40 araw ng pagpanaw ni Kieth at pinsan nito na kapwa biktima ng karahasan ng NPA. Naging benipisyaryo ng mga biseklita ang sektor ng kabataan sa Masbate.