Patong-patong na kaso, kahaharapin ng isang traysikel driver

Nahaharap ngayon sa patong-patong na kaso ang isang traysikel drayber na tinaguriang Top 7 Regional Level Most Wanted Person matapos ang matagumpay na pagkakadakip nito kahapon, ika-16 ng Hulyo sa Brgy. Raniag, Ramon, Isabela.

Read More:  244 foreigners arrested in Zamboanga Sibugay POGO raids

Sa nakuhang impormasyon ng Brigada News Team, kabilang ang 2 counts of Sexual Assault, 5 counts of Statutory Rape, at 1 count of Rape ang mga kasong kahaharapin ni alyas “Dado”.

Nasa P200,000 naman ang inirerekomendang piyansa para sa bawat kasong Sexual Assault habang walang piyansa ang mga kasong Statutory Rape, at Rape.

Read More:  2 children die after electrical incident at Cauayan school fun run

Sa kasalukuyan ay nasa CIDG Santiago na ang suspek bago ito ipasakamay sa korteng pinagmulan