Pagkakaroon ng epektibong waste management system sa bawat LGU, isinusulong ng DENR

Tinutulungan ng Department of Environment and Natural Resources Region 2 ang bawat Lokal na Pamahalaan sa Rehiyon Dos upang maging epektibo ang implementasyon ng kanilang waste management system.

Inihayag ni DENR Regional Executive Director Gwendolyn Bambalan na ang kanilang Environmental Management Bureau ay natulungan ang ilang LGU sa pagkakaroon ng 54 sanitary landfills at 168 na material recovery facilities.

Read More:  Police officer punched by student in Bacolod City

Ito ay upang maituro sa bawat mamamayan ang tamang waste segregation, recycling at tamang pagtatapon ng basura.

Read More:  Religious beliefs influence family planning decisions among some Muslim families – CRMC

Sa ngayon ay mayroon nang 528 environmental compliance certificates ang inisyu ng Environmental Management Bureau sa kanialng mga proyekto na nasa critical areas.