Mga kilos-protesta para sa SONA sa Lunes – kasado na

Tatlo hanggang apat na grupo na ang nag-apply ng permits sa ilang lokal na pamahalaan para makapagsagawa ng kilos-protesta sa araw ng SONA ni Pangulong Bongbong Marcos.

Ayon kay PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil, kabilang sa LGUs na ito ang Quezon City.

Read More:  No helmet, no shoes? LTO suspends driving school instructor’s license for 90 days

Muling paalala ng PNP sa mga magra-rally – bawal ang pagsusunog ng effigy sa SONA.

Samantala, aabot umano sa 10,000 ang makikiisa sa kilos-protesta sa SONA ng Pangulo.

Read More:  Senate committee to investigate Tacloban City school shooting, online gaming platforms

Sinabi ni Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) Chair Teddy Casiño – na taon-taong ginagawa ang protesta, at ipagpapatuloy din nila ito may permit man o wala.

Nakikipag-ugnayan na aniya sila sa lokal na pamahalaan ng QC para sa planong pagmamartsa patungong Commonwealth Avenue, at patungong Batasang Pambansa.