Operasyon laban sa iligal na sugal, ikinasa

Ikanasa ng PNP Enrile katuwang ang 202nd Manuever Company, Regional Mobile Force Battalion 2 ang operasyon laban sa iligal na sugal sa Barangay Maddarulug Norte, kahapon ika-14 ng Hulyo taong kasalukuyan.

Sa nasabing operasyon naaresto ang tatlong indibidwal na kinilalang sina alyas Solle, 32-anyos, Luis, 52-anyos, at Ariel, 60-anyos, na mula pa sa Isabela.

Read More:  2 dead, several injured as century-old mango trees crush Davao homes

Naaktuhan ang mga naaresto na naglalaro ng “Tong Its” na may kasamang perang pusta kung saan kasama pa sa nasamsam ang isang set ng baraha at perang pusta na nagkakahalaga ng Php 125.00.

Read More:  Basketball game in Cebu turns deadly: 2 cousins killed in stabbing

Inihanda na ang mga kinakailangang dokumento para sa pagsampa ng kasong paglabag sa PD 1602 o illegal na pagsusugal laban sa tatlong naaresto