Cong. Erice kay Garcia: pag-aralan ang dokumento hinggil sa umano’y Comelec official na tumanggap ng lagay mula sa Miru

Nagtungo sa tanggapan ng Commission on Elections (COMELEC) sa Palacio de Governador sa Maynila ngayong umaga si dating Caloocan rep. Edgar Erice.

Ito ay para ipakita ang natanggap niyang mga dokumento na ‘di umano’y nagpapatunay na mayroong lagay na natanggap ang isang COMELEC official.

Read More:  SC seeks comment on VP Sara Duterte impeachment vote rule

Sa kaniyang ebidensyang hawak – nakalagay dito ang umano’y 14 na Bahamas offshore bank accounts na nag-uugnay sa Miru Systems, ang napiling supplier ng COMELEC para sa darating na halalan.

Sabi ni Erice – dapat ay i-review ni poll body chief Garcia ang naturang mga dokumento lalo na’t maaapektuhan nito ang integridad ng papalapit na eleksyon.

Read More:  Supreme Court budget ruling may figure in new Marcos impeachment bid

Bago ito – una nang sinabi ni Garcia na handa siyang maimbestigahan para matukoy ang katotohanan sa naturang mga alegasyon.

Mayroon na rin siyang inilabas na waiver para ma-check ang kaniyang mga ari-arian ng NBI at ng AMLC.