Paghahanda ng lalawigan sa posibleng pagpasok ng COVID- 19 Delta variant isa sa pag uusapan ngayong araw sa IMT regular meeting

CAMARINES NORTE – Inihayag ng Provincial Health Office (PHO) na isa ang COVID- 19 Delta variant sa mga pag uusapan sa Operational Period Briefing ng Incident Management Team ngayong araw.

Yan ay makaraang matuklasan sa bansa ang bagong 16 na kaso ng mas nakakahawang variant kaya umabot na ito ngayon sa 35.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet sinabi ni acting Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco na kailangang palakasin ang containment strategy ano pa mang variant ng COVID- 19 ang lumabas.

Aniya, paiigtingin ng Provincial Incident Management Team ang Prevent, Detect, Isolate and Treat strategies at rerebyuhin kung saang aspeto sila nagkulang.

Read More:  Farmers’ daughter from Bukidnon tribe tops CPSU Batch 2026 graduates with 1.17 GWA

Bahagi rin umano ng kanilang stratehiya ngayon ay ang One Hospital Command operation upang matugunan ang patuloy na pagtaas ng mga naitatalang kaso ng sakit.

Importante umano ito upang masiguradong madadala sa ospital ang mga COVID patients na kailangang i- admit.

Ang bagay umanong ito ay napag usapan na noong nakaraang linggo kasama ang mga pribadong ospital sa lalawigan.

“Part and partial of the strategy ng IMT ay nag ano kami dun sa one hospital operation command, nagtatag kami niyan,” ani Francisco

Read More:  Radio commentator killed in BARMM shooting

“In the future kapag nagkaroon ng problema sa pagdami ng mga pasyente mayorng magtitimon which is the one hospital command kung saan niya papupuntahin itong mga pasyenteng nagngailangan ng admission po, ngayon pina- polish namin yung proseso na yan and lahat ng hospital involve yung private at saka public.”