South Korean na wanted ng Interpol dahil sa illegal gambling – naaresto sa NAIA

Arestado ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang South Korean na nasa wanted list ng Interpol dahil sa pagiging pugante sa kanilang bansa.

Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, kinilala ang pasaherong si Choi Injoon, 47 taong gulang, na naharang sa NAIA Terminal 3 noong Lunes habang papunta sana sa Ho Chi Minh City, Vietnam sakay ng Cebu Pacific flight.

Read More:  Sara Duterte defense team says it is ready for impeachment trial

Hindi pinayagang umalis si Choi at inaresto matapos lumabas sa Interpol derogatory check system ng ahensiya na siya ay isang wanted fugitive sa South Korea dahil sa illegal gambling.

Read More:  DepEd urges schools to partner with parents to prevent school violence

Kasalukuyang nasa kustodiya ng BI warden facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City ang dayuhan habang hinihintay ang kanyang deportasyon.