MMDA, tuloy ang ginagawang paghahanda para sa SONA

Magpapakalat ng higit isang libong mga tauhan ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para tumulong sa traffic management para sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos sa July 22, 2024 sa Batasang Pambansa.

Sa Saturday News Forum, sinabi ni MMDA Traffic Operations Officer Manny Miro na sila ang nakaatas sa traffic management para sa mga sasakyan at pedestrians.

Read More:  House prosecutors seek prayers ahead of Sara Duterte impeachment trial

Sila rin aniya ang magsisilbing emergency respondents sa SONA.

Maliban dito, magsasagawa rin umano ang mga tauhan ng ahensya ng road at sidewalk clearing at monitoring sa mga highways na papuntang Batasan.

Read More:  INC opposes planned plunder case against Marcoleta

Bilang bahagi ng security measure, ila-lockdown ang Batasang Pambansa simula July 19, ang Biyernes bago ang SONA.

Sa ngayon, wala pang road closures, pero sinabi ni Miro na iaaanunsyo nila ito sa mga araw bago ang mismong pagtitipon.