Dalawang bus natangay ng landslide sa Nepal

Nawawala ang 62 pasahero matapos matangay ng landslide ang dalawang bus sa isang ilog sa Nepal.

Isinagawa ang search and rescue operation ng militar at pulisya sa Trishuli River sa Chitwan district, 86 km mula sa Kathmandu.

Read More:  Pope Leo XIV needs no further cancer treatment after lung surgery

Pahirapan ang ginawang pag-rescue at paghahanap sa mga nawawala dahil sa mataas na tubig at putik sa ilog.

Tatlong pasahero ang nakaligtas na may minor injuries matapos tumalon mula sa bus bago ang landslide, at kabilang sa mga nawawala ay pitong Indian nationals.

Read More:  153 killed in drone strike on market in Abyei, Africa

Nagpahayag ng pagkikiramay si Prime Minister Pushpa Kamal Dahal at nangakong mas pag-iigihan ang search and rescue operations. (BRIGADA NEWS INTERN-JHALDEA RULONA)