Sen. Angara, nagpasalamat kay PBBM sa pag appoint sa kanya bilang DepEd Sec; nangako na hindi ipapahiya ang Pangulo

Aminado si incoming DepEd Secretary Sonny Angara na mabigat ang mga suliranin sa sektor ng Edukasyon.

Sinabi ito ng senador sa pamamahagi ni Pangulong Bongbong Marcos ng Presidential Assistance sa Baler, Aurora kaninang umaga.

Read More:  Palace seeks reconsideration of SC ruling on unprogrammed funds

Nagpasalamat rin si Angara sa tiwala at kumpyansa ni Pangulong Marcos kasunod ng pagtalaga sa kanya bilang kalihim ng DepEd.

Anya, kahit mabigat ang suliranin ng naturang sector, hindi nya ipapahiya si Pangulong Marcos sa pagpili sa kanya.

Read More:  Gov’t races to secure water, power ahead of ‘Super El Niño’

Nabatid na uupong DepEd Secretary si Angara sa July 19, kasabay ng effectivity date ng irrevocable resignation ni VP Sara Duterte bilang DepEd Secretary.