Agila patay matapos binaril

Patay ang Philippine eagle na si Mangayon matapos umanong binaril ng jolen or marble gun sa Barangay Magayon, Compostela, sa lalawigan ng Davao de Oro.

Ayon sa Philippine Eagle Foundation (PEF) malusog ang pangangatawan ni Mangayon kaya pinaghihinalaan na ang tama ng jolen gun sa kaliwang pakpak nito ang sanhi ng kanyang pagkamatay.

Read More:  Possible tawas, not shabu, found in Bacolod student’s bag, police say

Na-rescue ang agila noong petsa 8 ngayong buwan na agad nilang dinala sa Compostela para magamot ngunit namatay din ito kinalaunan.

Read More:  Grade 9 student found with suspected ₱204K shabu in Bacolod school

Nanawagan ngayon ang PEF sa pamahalaan na higpitan pa ang parusa sa pagpatay sa mga agila lalo na at nabibilan ito sa critically endangered species.