PNP: Bodycam, ginagamit na sa pagmonitor sa COVID-19 vax, sa kabila ng…

Kinumpirma ni PNP spokesman Police Brigadier General Ronaldo Olay na may ilang body-worn camera units para sa police operations ang ginagamit sa pag-monitor sa paghawak sa COVID-19 vaccines, sa kabila ng pending na panuntunan para sa pag-gamit nito.

Paliwanag ni Olay, ginagamit na ang bodycams sa pag-escort ng mga bakuna, pag-monitor sa pagdating nito sa NAIA, hanggang sa mailagay ang mga doses sa warehouse.

Read More:  LTFRB reviewing measures amid looming fuel price increase

Una nito, sinabi ng PNP na bumubuo pa sila ng guidelines sa data at privacy management mula sa mga cameras.

Read More:  Defense may call Zuleika Lopez as witness in VP Sara trial

Ayon naman kay PNP chief Police General Guillermo Eleazar, tinitiyak niya sa Commission on Human Rights na sa pagbuo at issuance sa guidelines ng Supreme Court kaugnay sa pag-gamit ng body-worn cameras, binibigyan ng pangunahing importansya ang data management at privacy. // MHEL PACIA -TRINIDAD