Sen. Cayetano, pupwede rin umanong maghain ng ‘ethics complaint’ laban kay Senadora Binay

‘Eyes on the ball’

‘yan ang mensahe ni Senador Alan Cayetano kay Senadora Nancy Binay pagkatapos ang nagiging paghahain nito ng ‘ethics complaint’ sa kanya kaninang umaga.

Anya, kung tutuusin ay posible rin siyang maghain nito laban sa senadora dahil sa di umano’y pagiging ‘unethical’ nito noong nakaraang pagdinig ng Senate Committee on Accounts.

Read More:  Palace seeks reconsideration of SC ruling on unprogrammed funds

Pero sa kabila nito nilinaw niya na ang pokus lang ng kanilang pagrebyu ay ang pagtingin mismo sa eksaktong halagang kinakailangan sa New Senate Building at wala siyang tinutukoy na anumang irregularities.

Read More:  Palace urges Bato dela Rosa to surrender amid warning of potentially bloody arrest

Dagdag pa niya, welcome pa rin ang senadora na pumunta sa darating na pagdinig sa Miyerkules at pupwede nitong i-request na maging isa siyang resource speaker.