P10 milyong pisong reward, alok ngayon sa makapagtuturo sa kinaroroonan ni Quiboloy

Naglaan ng P10 milyong pisong pabuya para sa makapagtuturo ng kinaroroonan ni Apollo Quiboloy.

Ito ang inihayag ni Interior Sec. Benhur Abalos Jr., sa pulong balitaan sa Kampo Crame.

Read More:  Political vlogger Mimaa Alicia killed in Caloocan shooting

Ayon kay Sec. Abalos, manggagaling ang pabuya sa ilang kaibigang nais na tumulong sa paghahanap kay Quiboloy.

Read More:  House prosecutor calls ‘kill criminals’ posts ‘cute,’ rejects iron fist

Samantalang, nag-alok din ng tig P1milyong pisong pabuya sa 5 kapwa akusado nito

Ang mga ito’y patuloy na pinaghahanap ng mga awtoridad dahil sa kasong child abuse at qualified trafficking.