Pagdeklara ng mga ‘non-existent’ na incorporators panibago lang umanong modus ng illegal POGO sa bansa

Ibinahagi ni Senador Win Gatchalian na ipina-subpoena na nila ang mga may-ari ng Lucky South 99 at maging Whirlwind Corporation sa Porac, Pampanga.

Ito ay matapos ang naging raid ng iligal na Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hub dito na di umano’y sangkot sa human trafficking at scamming.

Read More:  Sara Duterte defense team says it is ready for impeachment trial

Anya, sa kanilang mga naging imbestigasyon, lumalabas na mayroong mga Chinese nationals sa likod nito na siyang kumukuha ng mga Pilipinong partners.

Read More:  DepEd thanks LGUs, private sector for boosting school security

Dagdag pa niya, base sa mga nakuhang ebidensya at papeles, makikitang bagong modus na nila ang pagdeklara ng mga ‘non-existent’ incorporators halimbawa na lang ng nangyari kay Ate Merlie kung saan wala siyang kaalam-alam dito.