Hiniling ng Armed Forces of the Philippines sa mga pilipino na dapat gamitin ang social media account upang labanan ang pagkalat ng mga fake news kaugnay sa isyu ng West Philippine Sea.
Layunin ng AFP na palakasin ang transparency, kontrahin ang disinformation, at pahusayin ang kamalayan ng publiko tungkol sa mga karapatan at interes ng Pilipinas sa rehiyon.

Nauna nang nagbabala si AFP chief of staff General Romeo Brawner Jr. tungkol sa “united front works” ng China na naglalayong sirain ang value system at hatiin ang mga Pilipino, ngunit hindi pinangalanan ang anumang grupo o indibidwal.
Binigyang aksyon naman ng AFP ang mga kumakalat na fake news para maghasik ng takot sa publiko, at kinumpirma ng National Security Council ang ilang indibidwal o grupo na naklikilahok sa pagkalat ng salaysay at impluwensya ng China.
Paliwang ng AFP, sa pamamagitan ng pagpapahusay ng kamalayan ng publiko at pagtitipon ng damdaming makabayan, ang plano ay naglalayong magkaisa ang mga Pilipino sa pagtataguyod para sa interes ng bansa at pag-aambag sa isang mas matatag na Pilipinas. (BRIGADA NEWS INTERN-JUSTINE JUMARANG)