Pinakatanyag na chess grandmaster ng Bangladesh, namatay sa gitna ng laban

Namatay ang pinakatanyag na chess grandmaster ng Bangladesh na si Ziaur Rahma sa gitna ng laban niya sa national championship matapos itong ma-stroke sa kanyang laro.

Si Ziaur ang pinakamataas na ranggo sa limang chess grandmaster sa Bangladesh, sa di inaasahan hindi napansin ng namamahala ng palaro na may sakit pala siya.

Ayon kay Shahab Uddin Shamim isang general secretary ng Bangladesh Chess Federation sa AFP, natumba si Rahma sa gitna ng ika-12 round ng championship laban sa fellow grandmaster na si Enamul Hossain.

Dagdag pa nito, mga manlalaro at mga opisyal ang naroroon sa kwarto nong siya natumbag sa kanyang laban at agaran siyang dinala sa ospital at doon na ngang dineklara na si Ziaur ay na stoke at namatay.

Maaalalang ilang besesĀ  na rin siyang nanalo sa national championship at siya din ang kinatawan ng Bangladesh sa 44th Chess Olympiad sa India noong 2022. (Jaime Codizal – Brigada News Intern)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *