Mga sundalo sa Mindanao, sinaluduhan ni Pangulong Marcos sa pagpapahina ng pwersa ng Abu Sayaff

Binisita ni Pangulong Bongbong Marcos ang tropa ng militar sa 11th Infantry Division sa Camp Teodulfo Bautista sa Jolo, Sulu.

Pinuri sila ni Pangulong Marcos sa kanilang matagumpay na pagpapahina sa pwersa ng Abu Sayaff Group o ASG.

Read More:  Gov’t races to secure water, power ahead of ‘Super El Niño’

Sa kabila nito, pinaaalalahan sila ng Pangulo na huwag magpaka-kampante at patuloy na bantayan ang mga nais mag organisa o bumuo ng panibagong grupo.

Read More:  Sara Duterte vows never to resign as impeachment trial advances

Iniulat naman ng military command sa Sulu kay Pangulong Marcos na patuloy ang pagbaba ng mga kakayahan, manpower, at bilang ng baril ng mga rebelde.