Nanindigan ang Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) na malakas ang mga ebidensya labang kay suspended Bamban Mayor Alice Guo.
Kahapon kasi sa preliminary investigation sa Department of Justice (DOJ), idiniin ng mga abugado ni Guo na mahina at hindi tatayo ang mga ebidensiyang inihain laban sa kanila.
Ito’y may kaugnayan sa human trafficking cases na isinampa laban kay Guo.
Sabi ng PAOCC – matibay ang kanilang mga inihain sa DOJ.
Sa katunayan, kahit nga raw wala pa ang pangalan ni Guo sa mga dokumento ng Zun Yuan Technologies ay maaari pa ring ma-implicate ang alkade.
Muli namang nabanggit ng PAOCC na maliban sa human trafficking charges, inihahanda na rin nila ang pagsasampa ng hiwalay na money laundering case.