Sangguniang Bayan ng Paracale, pinag-usapan ang iba’t ibang hiling, resolusyon, at ordinansa sa 101st Regular Session

CAMARINES NORTE – Pinag-usapan ng Sangguniang Bayan members ng Paracale ang iba’t ibang hiling, resolusyon at ordinansa ng mga tanggapan sa ginanap na 101st Regular Session ng lokal na pamahalaan.

Humiling ang Office of the Mayor ng bayan ng Paracale na magbigay ng awtorisasyon sa Local Chief Executive (LCE) na magkaroon ng Memorandum of Agreement (MOA) sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) para sa Skills Training Programs ng LGU at ang pagsasama ng TESDA Representative sa Local School Board sa ilalim ng Special Education Fund.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Kasabay nito, binigyang liwanag din ang ordinansang paglilimita sa paggamit ng E-Trike; kung saan, kailangang gamitin lang ito bilang “for family use” sa halip na “commercial use,” at ipinatutupad ang pagkuha ng pansamantalang permit para sa mas maayos na paggamit nito.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Tinalakay rin ang ordinansang nagbabawal sa paggamit ng bitana (beach seine) sa pangingisda ng dilis sa mga karagatan ng bayan at magkakaroon ng karampatang penalties ang lalabag dito.

PHOTO COURTESY: Sangguniang Bayan – Paracale