Pamahalaan, naglaan ng malaking pondo para sa internet connectivity sa Mindanao

Patuloy ang pagsisikap ng pamahalaan upang mas mapalago pa ang ekonomiya sa bahaging Mindanao.

Kaugnay nito, inanunsyo ni Pangulong Bongbong Marcos na naglaan ang pamahalaan ng malaking pondo para sa internet connectivity sa Mindanao.

Read More:  Gov’t races to secure water, power ahead of ‘Super El Niño’

Kasama rito ang paglalagay ng satellite connectivity sa mga island provinces tulad ng Sulu.

Ipinunto ng Pangulo na kung nais na maka-akit ng mamumuhunan sa isang lugar, ay dapat pagandahin ang internet connectivity.

Read More:  Gov’t races to secure water, power ahead of ‘Super El Niño’

Maaalalang inaprobahan din kamakailan ni Pangulong Marcos ang Philippine Digital Infrastracture project kung saan naglaan ng 16.1 billion pesos para sa pagpapabuti ng internet connectivity sa buong bansa lalo na sa mga liblib na lugar.