BICOL—Muling ipinaalala ng Department of Health (DOH) Bicol sa publiko na libre ang bakuna sa COVID-19.
Ito ay kasunod ng ilang ulat na naipaabot sa DOH CHD na mayroon umanong naniningil ng P50.00 sa mga nagpapabakuna sa local vaccination center.
Pagbibigay diin ng ahensya, lahat ng serbisyong pangkalusugan ng gobyerno kabilang ang COVID-19 vaccine ay libre dahil binili umano ng national govermment ang mga bakuna para ipamahagi ng libre sa mamamayang Pilipino.
Kaugnay nito ay inabisuhan ng DOH ang mga LGU na imonitor ang mga vaccination centers upang masigurong walang makakapanamantala sa libreng programa ng gobyerno.
Pinayuhan din ang publiko na ireport sa Food and Drug Administration (FDA) ang ganitong insidente sa pamamagitan ng kanilang email na [email protected].
Ayon sa ahensya, mas makakapagpahina sa vaccination campaign ang ganitong modus at maaari pang magdulot ng mas lalong pag-aalinlangan ng publiko na magpabakuna.###
