Lalaking nagnakaw at nagbenta ng baka na hindi naman sa kanya sa Lobo Batangas, wanted sa awtoridad

Pinaghahahanap na ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos nitong magnakaw at ibenta ang baka na hindi naman sa kanya sa Barangay Nagtoctoc, Lobo, Batangas.

Kinilala ang biktima na si Anacleto Delmo y Magnaye, 49 anyos, isang magsasaka at residente ng nasabing barangay.

Nakilala ng Lobo MPS ang suspek na si Romeo Almarez y De Torres 42 anyos, isang magsasaka at residente naman ng Barangay San Miguel, Lobo, Batangas.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Base sa imbestigasyon at sa salaysay ng biktima, noong June 15, 2021, ipinagkatiwala ng nasabing biktima ang kanyang alagang baka sa naturang suspek.

Ngunit noong balikan nito ang kanyang alagang baka noong June 28, 2021, wala na ito at ayon sa pinsan ng biktima, naibenta na ang nasabing baka sa Barangay San Marcelino, Taysan, Batangas nang walang paalam sa kanya.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Samantala, nang puntahan naman ng biktima ang lugar na pinagbentahan ng kanyang alagang baka, nakita niya ito at ayon sa nakabili at bagong may ari na nito, naipagbili ito sa kanya ng P76,000.

Sa kasalukuyan ay nagtatago pa rin ang nasabing suspek na nahaharap sa kasong qualified theft.