Babae, nahulihan ng hinihinalang shabu sa maselang bahagi ng katawan

Arestado ang isang 41-anyos na babaeng dadalaw sana sa isang PDL matapos itong mahulihan ng hinihinalang shabu sa maselang bahagi ng katawan sa Pagbilao District Jail nitong Huwebes, Hulyo 4.

Ayon sa report, nagsasagawa umano ng cavity search ang isang jail officer sa nasabing babae nang mapansin nito ang plastic na balot ng electrical tape sa maselang bahagi ng katawan nito.

Read More:  Ashfall, sulfur odor reported in parts of Negros after Kanlaon eruption

Mahigit 38 gramo ang timbang ng nakumpiskang hinihinalang shabu sa suspek at tinatayang nagkakahalaga ito ng mahigit ₱790,000.

Read More:  Missing lending collector from Bukidnon found buried in Lanao del Sur pineapple plantation

Sa ngayon, nasa kustodiya ng Pagbilao Municipal Police Station ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.