Paraan ng pagsasagawa ng checkpoint, rerepasuhin ng PNP

Nirerespeto ng pamunuan ng Philippine National Police ang mga komento na napag-iinitan sa checkpoint ang mga nakamotorsiklo.

Ayon kay PNP Chief Gen Rommel Marbil, tama ang naturang komento at ito rin ang kanyang napapansin.

Read More:  Sara Duterte vows never to resign as impeachment trial advances

Gayunman, kanyang nilinaw na pinapara rin nila sa checkpoint ang mga kotse at marahil ay hindi lang ito napapansin.

Paliwanag nya, nagkaroon lang ng “stigma” sa riding-in-tandem kaya puro mga naka-motorisklo ang napapara.

Read More:  Gov’t races to secure water, power ahead of ‘Super El Niño’

Dahil dyan, sinabi ni Marbil na aayusin nila ang kanilang mga panuntunan sa pagsasagawa ng checkpoint para maging patas ito sa mga motorista.