Incoming DepEd Secretary Angara, inatasan ni PBBM na pagandahin ang aspetong pinansyal ng mga guro

Pinatututukan ni Pangulong Bongbong Marcos kay incoming DepEd Secretary Sonny Angara, ang kapakanan ng mga guro.

Sa ambush interview sa Julu, Sulo, sinabi ni Pangulong Marcos na mga guro ang susi upang maging matagumpay ang mga programa ng DepEd, kaya marapat lang na maalagaan sila lalo na sa usaping pinansyal.

Read More:  Palace urges Bato dela Rosa to surrender amid warning of potentially bloody arrest

Hindi dapat anya makalimutan na mayroon ring pamilya ang mga guro, na kailangan nilang alagaan.

Sabi ni Pangulong Marcos, hindi makakapagturo nang maayos ang mga ito, kung wala silang maipakain o nag-alala sila sa kanilang pamilya.

Read More:  Palace seeks reconsideration of SC ruling on unprogrammed funds

Ito ang dahilan kung bakit dapat aniyang alagaan ang mga guro, maging sa pinansyal na aspeto, at siguruhin na maganda ang kondisyon at kalagayan ng mga ito upang makapag-focus sila sa pagtuturo sa mga mag-aaral.