Petisyon ng ilang grupo ng magsasaka vs EO 62 na nagpapababa sa taripa ng mga imported na bigas, inirerespeto ng NEDA

Hinihintay pa ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang kopya ng petisyon ng ilang grupo ng magsasaka na ipahinto ang pagpapatupad ng executive order no. 62 na nagpapababa sa taripa ng imported na bigas.

Read More:  LTFRB reviewing measures amid looming fuel price increase

Ayon kay NEDA Secretary Arsenio Balisacan, nirerespeto nila ang inihaing petisyon pero tiyak naman nila na sasagot sa petisyon ang Office of the Solicitor General.

Read More:  TDC highlights education system issues following death of grade 4 student in Cavite

Respondent ang NEDA kasama si Pangulong Ferndinand Marcos Jr. at Executive Secretary Lucas Bersamin sa petisyon ng ilang grupo ng magsasaka na inihain sa Korte Suprema kahapon ng umaga na kumukwestyon sa constitutionality ng nasabing kautusan.