Bilang ng mga magsasaka na sumubok sa organic agriculture, mababa


Ipinahayag ni Region 2 Organic Agriculture Program Coordinator Geroge Caday na puspusan ang kanilang ginagawang pagbabahagi sa konsepto at layunin ng organic agriculture sa mga magsasaka sa Lambak Cagayan.

Aminado si Caday na mababa ang bilang ng mga magsasaka na sumubok sa organic agriculture sa buong rehiyon dos na halos apat na libong magsasaka lamang.

Read More:  Grade 9 student found with suspected ₱204K shabu in Bacolod school

Umaabot lamang sa 3,100 na ektarya ang kanilang sinasaka na mababa dahil wala pang isang porsiyento sa kabuuang 27 libong ektarya ng agricultural area na dapat ay naipasok sa organikong pagsasaka sa rehiyon.

Ibig sabihin, mababa pa sa target na 5% sa total agri production area sa limang lalawigan ng rehiyon ang tumanggap o sumusubok nito.

Read More:  Police captain killed in shooting inside Capiz KTV bar

Hinihikayat din nila ang mga LGUs na pagpasa ng ordinansa upang maipalaganap ito sa lahat ng mamamayan.

Pinapayagan din na iabot sa 30% ang mark-up sa mga maibebentang organically-grown o organically-raised products bilang insentibo sa mga nag-adopt nito.

Credit: Radyo Pilipinas Tuguegarao