NPA sa Sorsogon, ‘’leaderless’’ na

Kinukonsidera ng Phil Army sa Bicol na ‘leaderless’ o wala nang pinuno ang guerilla front sa lalawigan ng Sorsogon.

Ito ay matapos na ma-neutralize sa isang engkwentro sa Brgy Biriran, Juban, Sorsogon, madaling araw noong Martes si Arnel Estolonio Esteller aka ‘Mando,’ 57-anyos, residente ng Brgy Calpi, Bulan, Sorsogon. Ang mga labi nito ay kinilala sa punerarya ng kanyang dalawang anak na babae.

Read More:  Delivery rider dies in Cebu motorcycle-dump truck crash

Si Esteller ay kinikilalang lider ng Larangan 2, Komite Probinsyal 3 (KP3), Bicol Regional Party Committee (BRPC) at Secretary ng Sub-Rregional Committee 3 ng BRPC. Ang anak nitong si Jose Marie alyas Maria/ Bagi na pinuno ng Panlabang Yunit Gerilya (PYG) Sorsogon ay nahuli ng CIDG sa Batangas noong buwan ng Pebrero.

Kung babalikan, noong Hulyo 15, 2023 ay sumiklab ang bakbakan sa Brgy Boton, Casiguran kung saan naneutralisa rin ang lider ng Larangan 1, KP3 ng BRPC na si Fernando De Marquez Dialogo alias Karen ng Brgy Lapinig, Gubat, Sorsogon.

Read More:  Negros Occidental proposes P8.52B budget for 2027, P900M higher than 2026

Samantala, patuloy naman ang paghimok ng gobyerno sa lahat ng mga rebeldeng kasalukuyan pa ring bahagi sa maling pakikibaka na sumuko na at tuluyang magbalik-loob sa pamahalaan.