Gilas Pilipinas, pinatumba ang World. No. 6 na Latvia sa FIBA

Ginulat ng Gilas Pilipinas ang mundo matapos nitong pabagsakin ang World No. 6 na Latvia sa FIBA Olympic Qualifying Tournament na ginanap sa Riga, Latvia.

Ito ang unang laro ng Pilipinas sa FIBA, na naging matagumpay sa final score na 89-80 sa kabila ng pagkawala ni Jordan Clarkson sa koponan.

Read More:  69 Filipino para athletes gear up for Asian Para Games

Pinangunahan ni Justin Brownlee ang unang panalo ng Gilas matapos makapagtala ng 26 points, 9 rebounds, at 9 assists.

Read More:  Fuel Masters outlast Bolts to close in on quarterfinal berth

Dahil sa panalong ito, umabante na ang Gilas sa OQT semifinals at nakatakda na nilang harapin ang Georgia sa kanilang huling group-stage game sa Huwebes.