IATF, hinimok na agad magpadala ng mga eksperto sa CDO re: Delta variant

Hinimok ni Cagayan De Oro Representative Rufus Rodriguez ang national task force laban sa COVID-19 na magpadala ng grupo ng mga eksperto sa lungsod para pigilan ang pagkalat ng mas nakakahawang Delta variant sa lugar.

Ito’y matapos maitala ang unang 11 na local cases ng variant, kung saan lima sa mga ito ay mula sa Cagayan de Oro.

Read More:  Malacañang questions VP Sara Duterte’s state of mind after call for Marcos resignation

Ayon kay Rodriguez, ito ay para may makatulong sa LGU sa pagpapatupad ng kaukulang hakbang para pigilan ang outbreak ng Delta variant sa CDO, kasabay ng paghiling na agad ipadala ang mga bakuna sa naturang lugar na battleground ngayon ng Delta variant.

Read More:  Palace says Marcos remains neutral in Romualdez case

Una nito, isinailalim ng IATF ang probinsya ng Iloilo at mga lungsod ng Cagayan de Oro, Iloilo, at Gingoog sa ilalim ng enhanced community quarantine hanggang sa July 31. //MHEL PACIA-TRINIDAD