Top 4 most wanted person sa CALABARZON Arestado sa San Miguel, Bulacan

Tuluyan nang naaresto ng mga awtoridad ang itinuturing na Top 4 most wanted person ng CALABARZON na nahaharap sa kasong murder sa Barangay Tartaro, San Miguel, Bulacan.

Sa bisa ng warrant of arrest na isinagawa ng Regional Trial Court Branch 4, Batangas City, matagumpay na naaresto ang suspek na si alyas Butch, 41 anyos, tubong Bauan, Batangas.

Read More:  12 kilos of suspected shabu worth ₱81.6 million intercepted at Batangas Port

Dinakip ang suspek dahil sa pagpatay sa pamamagitan ng pananaga sa biktimang si alyas Marcelo noong Pebrero, taong 2020 sa Barangay Ligaya sa bayan ng Mabini.

Read More:  Father swept away by floodwaters in Batangas while trying to save wife and son

Mahigit apat na taon ding nagtago ang suspek at tinakasan ang ginawang krimen.

Ayon kay Police Regional Office CALABARZON Regional Director Police Brigadier General Paul Kenneth Lucas, dahil sa mahusay na koordinasyon ng ibat-ibang ahensya sa rehiyon, tuluyan nang napasakamay nila ang suspek.