Marketing Matching Activity ng DA IV-A, naging matagumpay sa Tiaong Quezon

Naging matagumpay ang ginanap na market matching activity ng Department of Agriculture o DA-CALABARZON sa bayan ng Tiaong, Quezon.

Dito, labing-isang samahan ng mga maggugulay sa naturang bayan ang naiugnay sa apat na institusyonal na mamimili.

Read More:  Father swept away by floodwaters in Batangas while trying to save wife and son

Ayon sa pangulo ng Binhi ng Kalikasan Agricultural Cooperative na si Gladies Garcia, nagpapasalamat siya sa pagbubukas ng opotunidad upang mas pataasin ang produksyon ng pagbebenta ng kanilang gulay.

Hangad ng aktibidad na magabayan at matulungan ang mga samahan na magkaroon ng direktang tulay sa mga mamimili na may malakihang pangangailangan sa mga produktong agrikultural.

Read More:  12 kilos of suspected shabu worth ₱81.6 million intercepted at Batangas Port

Samantala, tinalakay naman ng High Value Crops Development Program ang estado ng paggugulayan sa rehiyon bilang basehan at gabay ng mga samahan ng magsasaka at mga dumalong mamimili.