Laborer, sugatan sa pananaksak ng 2 lalaki sa Candelaria, Quezon

Sugatan ang isang laborer matapos itong saksakin ng dalawang lalaki sa Barangay Pahinga Norte, Candelaria, Quezon nitong Sabado, Hunyo 29.

Ayon sa police report, nagmamaneho umano noon ng tricycle ang biktima nang harangin ng mga suspek ang daan nito kung kaya nagkaroon ng pagtatalo.

Read More:  CHMSU graduate tops Army officer candidate class ‘Talagilab’

Sa gitna nito, sinaksak ng suspek ang biktima sa braso at sa kanang katawan ngunit nakakuha ito ng gulokan para depensahan ang kanyang sarili subalit tumakas ang mga suspek.

Read More:  Facebook post triggers shooting scare at Cebu City private school

Sa ngayon, nagpapagaling na ang biktima habang patuloy naman ang isinasagawang operasyon ng mga awtoridad upang madakip ang suspek.