Halos pisong taas-presyo sa oil products, namumuro sa susunod na linggo

Nadagdagan pa ang inaasahang taas-presyo sa mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Matapos ang international trading – bahagya pang tumaas ang estimates na namumuro.

Read More:  DA says super El Niño won’t trigger food crisis as government prepares rice imports

Ayon sa oil industry sources, tinatayang aabot na sa P0.80 hanggang P1.00 ang maaaring umento sa kada litro ng gasolina.

Sa diesel, mayroong inaasahang P0.50 hanggang P0.70 na price hike sa kada litro nito; habang P0.30 naman hanggang P0.50 sa kerosene.

Read More:  DA says super El Niño won’t trigger food crisis as government prepares rice imports

Araw ng Lunes ia-anunsyo ang opisyal na price adjustment, habang magiging epektibo ito sa araw ng Martes.