Marine Pollution Exercise 2024 sa pagitan ng PH, Indonesia at Japan, nagtapos na

Opisyal nang nagtapos na ang Regional Marine Pollution Exercise o MARPOLEX sa pagitan ng Philippine , Indonesia at Japan Coast Guards sa Bacolod City, Negros Occidental

Nangako ang mga nabanggit na bansa na palakasin ang kanilang kakayahan sa pagrespunde sa oil spill.

Read More:  Palace urges Bato dela Rosa to surrender amid warning of potentially bloody arrest

Layunin din nila na palawakin pa ang kanilang regional cooperation, at magkaisa sa pagprotektahan sa marine ecosystems.

Pinalakas rin ng mga bansa ang kanilang fraternal agreement na nagtataguyod ng multilateral cooperation at collaborative efforts upang epektibong matugunan ang mga major spillage sa rehiyon ng Asya.

Read More:  Palace seeks reconsideration of SC ruling on unprogrammed funds

Ang Regional MARPOLEX 2024 ay ang ika-23 na pagsasagawa ng nasabing maritime exercise mula nang ito ay itatag noong 1986, na patuloy na nagpapakita ng dedikasyon ng bawat bansa sa pagprotekta sa kalikasan at marine environment.