Isang candidate soldier, binawian ng buhay habang sumaisailalim ng swimming lesssons sa Ternate, Cavite

Binawian ng buhay ang isang candidate soldier habang sumasailalim sa swimming lessons na may practical application sa Katungkulan Beach, Marines Barracks sa Camp Gregorio Lim sa Ternate, Cavite.

Read More:  Palace urges Bato dela Rosa to surrender amid warning of potentially bloody arrest

Ayon sa ulat ng Ternate Municipal Police Station ,isang miyembro ng Philippine Marines ang nag-ulat ng insidente na naganap nitong June 26.

Ang biktima ay nag-collapse habang nasa kalagitnaan ng kanilang aktibidad.

Read More:  Palace seeks reconsideration of SC ruling on unprogrammed funds

Agad na isinugod ang biktima sa Medical Dispensary at kalaunan ay inilipat sa San Lorenzo Ruiz Hospital sa Naic, Cavite ngunit idineklarang dead on arrival ng sumuring doktor.