China, pinagpapaliwanag ang Amerika hinggil sa anti-Sinovac propaganda nito

Umapela ang Chinese Embassy sa United States Embassy sa Pilipinas na ipaliwanag ang umano’y secret campaign ng US military para i-disredit ang bakuna ng China para sa COVID-19.

Ayon sa Chinese Embassy, may karapatan ang mga Pilipino, maging ang international community na malaman ang totoo.

Read More:  Supreme Court budget ruling may figure in new Marcos impeachment bid

Bakit daw nananatiling tahimik ang US Embassy sa Pilipinas?

Hindi raw ba dapat maging accountable ang US sa ginawa nito noong panahon ng pandemya.

Read More:  Palace seeks reconsideration of SC ruling on unprogrammed funds

Mababatid na batay sa isang Reuters report, target umano ng US na magdulot ng pagdududa sa kaligtasan at efficacy ng bakuna at ng iba pang life-saving aid na isinu-supply ng China sa ibang mga bansa, kabilang na ang Pilipinas, noong COVID-19 pandemic.