Registered voter sa bayan ng Labo nasa mahigit 65K pagkatapos ng April 2024 ERB hearing

CAMARINES NORTE – Umaabot sa 65, 609 ang registered voter sa bayan ng Labo ang pinakamarami sa lalawigan ng Camarines Norte pagkatapos ng April 2024 Election Registration Board (ERB) Hearing noong Abril.

Batay sa datos ng Commission on Elections mas marami ang registred voters na babae na may 33, 509 kumpara sa 32, 100 na kalalakihan.

Read More:  ₱5.97-M ecstasy seized from Nigerian national in Pampanga drug bust

Magkakaroon uli ng ERB hearing sa kalagitnaan ng Hulyo para linisin ang listahan ng mga botante.

Samantala, naka- schedule naman ngayong araw ang satellite voter registration sa Barangay Manlang habang sa Sabado naman ay sa Masalong.

Read More:  Nearly entire church ceiling collapses in Maguindanao del Norte

Sa pamamagitan ng satellite registration ay ang Comelec na mismo ang lumalapit sa mga tao para hindi na gumastos pa ng pamasahe at pagkain sa pagpaparehistro ang mga nakatira sa malalayong Barngay.