Pagtakbo ng 3 Duterte, makakatulong umano kay Padilla na magkaroon siya ng panibagong kakampi sa Senado

Itinuturing na napakagandang balita ni Partido Demokratiko Pilipino (PDP) Acting President, Senador Robin Padilla ang pagtakbo ng tatlong Duterte sa Senado.

Ito ay matapos isiwalat sa naging interview ni Vice President Sara Duterte ang pagtakbo ng kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte maging sina Davao City 1st District Congressman Paolo Duterte at Davao City Mayor Baste Duterte sa 2025 Senate election.

Read More:  Gov’t races to secure water, power ahead of ‘Super El Niño’

Anya, sa pamamagitan nito ay tiyak na magkakaroon siya ng panibagong kakampi maliban kina Senador Christopher ‘Bong’ Go, Senador Ronald Bato Dela Rosa at Senador Francis Tolentino.

Read More:  Palace seeks reconsideration of SC ruling on unprogrammed funds

Maalala, si PRRD ang kasalukuyan pa ring chairman ng PDP na kinabibilangan ni Padilla at maging nina Go, Dela Rosa at Tolentino.